lobo: the transformation (of lyka)

 lb358.jpg

(more…)

Published in: on March 15, 2008 at 6:51 am  Leave a Comment  

lobo: the origin

lobo2

(credit: pep)

This ambitious project was originally pitched to ABS-CBN three years ago during a scriptwriting workshop for future shows of the network. Newcomer Mark Anthony Bunda gave the concept for Lobo and it was further developed by Star Television’s creative team led by Creative Manager Ricky Lee.

(more…)

Published in: on February 26, 2008 at 7:36 pm  Comments (1)  

lobo: i love it! (thumbs up to piolo pascual, angel locsin and ricky lee!!!)

lobo3

  what’s not to like!?!

(more…)

Published in: on February 17, 2008 at 8:08 am  Comments (28)  

Angel Locsin denies asking to change title of her teleserye with Piolo Pascual?

(source: philippine entertainment portal) 

Unang napabalita na ang magiging title ng unang project ni Angel Locsin sa ABS-CBN kasama si Piolo Pascual ay Taong Lobo. Pero iniba na ang title nito at ginawa nang La Loba Blanca.

Ayon sa lumabas na balita, hindi raw kasi pumayag ang manager ni Angel na si Becky Aguila na iyon ang maging title ng serye ng young actress with Piolo. Kung iyon daw kasi ang gagamitin, obvious na si Piolo ang bida at support lang si Angel. Para wala na lang daw usapan, iniba na nga lang ng ABS-CBN ang title ng naturang serye.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel noong Linggo, September 9, pagkatapos niyang mag-guest co-host sa ASAP ’07. Nilinaw ng young actress na wala siyang kinalaman at ang kanyang manager kung nabago man ang title ng serye nila ni Piolo.

“Lilinawin ko lang po, wala kaming kinalaman kung nagdesisyon man ang ABS na baguhin ang title ng serye namin ni Piolo,” diin ni Angel. “Basta ang alam ko, yung mga project na tulad nito, in-offer lang sa akin, tinanggap ko, ‘yon lang. Pero hindi kami nakialam.

“Never naman akong nakikialam sa isang project. Parang nakakahiya naman… Parang ang dapat makialam, kung sino ang may karapatan, si Piolo lang ‘yon. Wala kaming karapatan.”

RICHARD GUTIERREZ. May gagawin ding bagong serye sa GMA-7 ang dating ka-loveteam ni Angel na si Richard Guttierez, ang Kamandag. Balitang makakatapat ng timeslot nito ang La Loba Blanca nina Angel at Piolo kung saka-sakali. Handa na ba si Angel na makatapat ang programa ni Richard?

(more…)

Published in: on September 12, 2007 at 12:25 am  Comments (3)  

angel locsin on richard gutierrez, oyo boy sotto, luis manzano & piolo pascual

(source: philippine entertainment portal)

RICHARD GUTIERREZ. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Ruffa Gutierrez na nag-MU (mutual understanding) sila noon ng kapatid niyang si Richard Gutierrez? Totoo ba ito?

“Oo, parang ganun. Hindi ba, sinasabi rin naman naming lagi, kayo lang naman ang hindi naniniwala, e,” sabay tawa ni Angel.

“Pero hindi naging kami,” paglilinaw niya. “Siyempre pag kayo ang laging magkasama sa liblib na lugar or lagi kayong bundok, e, wala naman kayong makausap doon. Siguro dahil doon.

“Hindi naman ‘yung MU na MU talaga. Hindi naman ‘yung, ‘Hoy, MU tayo, ha.’ Siguro nagki-care ako sa kanya, nagki-care rin siya sa akin. Wala rin kaming usapan na, ‘O, tapusin na natin ‘to.’ Wala naman kasing ano, e, walang relasyon. Hindi lumalim at hindi naman ‘yung landian or ano, hindi naman. Kasi magkasama kami, we’re partners, parang ganun. Kapalagayang-loob kami at ngayon, honestly, kung anuman ang gawin ni Richard susuporta pa rin ako sa kanya kasi mabait siyang tao at naramamdaman ko ‘yon nung kaguluhang ito.”

(more…)

Published in: on August 18, 2007 at 6:14 pm  Comments (14)  

angel locsin on her mom emma colmenares

(source www.inquirer.net)

DOLLYWOOD:  girl also cares about mom

By Dolly Anne Carvajal

08/14/2007 MANILA, Philippines — Angel Locsin told me once that she disapproved of her mother’s (Emma Colmenares) young lover because she doubted the guy’s sincerity. I’m not sure if they’re still together. Angel may be a daddy’s girl but that doesn’t mean she cares for her mom any less.

(source: philippine entertainment portal)

PEP EXCLUSIVE: Angel Locsin wants her parents kept out of her showbiz issues

Pilar Mateo

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapamilya na si Angel Locsin kahapon, August 17, sa opisina ng Star Cinema Productions sa ABS-CBN. Kakatapos lang mag-taping ni Angel as celebrity contestant sa game show ni Kris Aquino na Kapamilya Deal Or No Deal.

Incidentally, dumating sa naturang game show ang ina ni Angel na si Emma upang suportahan siya. “Kaya lang, nang dumating si Mama, nakapag-deal na ako, e. Kaya abangan nila kung ano o magkano ‘yung nakuha ko para marami akong matulungan,” excited na kuwento ni Angel.

“Actually, si Mama ang tumawag sa akin na gusto nga raw niyang sumama sa akin kapag nag-guest ako sa Deal or No Deal. Siguro, nagdalawang-isip siya nung una kaya na-late siya. Pero nakita mo naman kahit kailan, hindi ko naman itinago ang Mama ko,” sabi pa niya.

Kumusta ang relasyon nila ng kanyang ina?

(more…)

Published in: on August 17, 2007 at 7:49 pm  Comments (1)  

GMA Artist Center Head Yda Henares denies spreading rumor about Angel Locsin

(SOURCE: philippine entertainment portal)

Bumalik ang ilang miyembro ng entertainment press na pauwi na sana pagkatapos ng anniversary celebration ng GMA Artist Center sa Showbiz Central sa Broadway Centrum kahapon, August 12. Sinagot kasi ng Artist Center Head na si Ms. Yda Henares ang pahayag ni Angel Locsin sa The Buzz sa ABS-CBN noon ding hapon na ‘yon tungkol sa kanya.

Nang hingan kasi ng mensahe ni Boy Abunda ang dating Kapuso star na si Angel para sa GMA-7 executives, tila pinaringgan ng young actress si Yda tungkol sa kumakalat na sex video diumano ni Angel.

“Kay Tita Yda, alam kong may tampo kayo sa akin, pero sana po huwag ninyong sabihin sa mga tao na naniniwala kayo na ako ‘yung babae sa sex video. Kasi kilala n’yo naman po ako. At huwag ninyo po akong husgahan. Hindi po ako ganung klase ng babae. May takot po ako sa Diyos,” ang eksaktong pahayag ni Angel sa The Buzz.

Hindi napanood ni Yda ang The Buzz dahil busy nga siya sa anniversary special ng Talent Center sa katapat nitong programa na Showbiz Central, kung saan ipinakilala ang bagong Kapuso stars. Pero sunud-sunod daw ang mga text messages na tinanggap niya tungkol sa sinabi ni Angel sa kanya.

Dahil dito, hindi na napigilan ni Yda ang magsalita upang ipaliwanag ang kanyang panig.

(more…)

Published in: on August 13, 2007 at 6:46 pm  Leave a Comment  

Angel Locsin answers all issues thrown against her

(SOURCE: philippine entertainment portal)

Sa unang pagkakataon ay humarap sa publiko ang kontrobersiyal na young actress na si Angel Locsin upang sagutin ang lahat ng mga kontrobersiyang ibinabato sa kanya bunsod ng desisyon niyang lisanin ang dati niyang home network na GMA-7. Ipinalabas ang eksklusibong panayam ni Boy Abunda kay Angel sa The Buzz kahapon, August 12.

Isa-isang sinagot ni Angel ang lahat ng isyung iniwan niya nang pumunta siya sa London para kumuha ng crash course on fashion design hanggang sa kanyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN noong Sabado, August 11.

(more…)

Published in: on August 13, 2007 at 6:42 pm  Comments (5)  

ali sotto on angel locsin

(SOURCE:  GMAnews.TV) 

Ali Sotto finally broke her silence on the transfer of Angel Locsin to the other network. Ali is the mother of Mico Sotto, former boyfriend of Angel, who died in an accident in 2004. Mico’s death brought Ali and Angel closer to the point that the latter even called Ali her second mother.

Here is the transcript of Ali’s interview with Startalk‘s Butch Francisco aired Saturday.

(more…)

Published in: on August 13, 2007 at 6:40 pm  Comments (3)  

she said, she said

(source:  philippine entertainment portal) 

WILMA GALVANTE’S SIDE OF THE STORY

Months before Angel Locsin’s confirmed transfer to ABS-CBN, GMA-7 already had a gut feel that something was amiss though this was doused off several times by Angel and her camp.

“Twice we asked Angel if she was talking to ABS-CBN and twice she replied that she was not,” revealed GMA-7’s SVP for Entertainment TV Wilma Galvante to Showbiz Central co-host Pia Guanio in an interview.

(more…)

Published in: on August 7, 2007 at 10:58 am  Leave a Comment