angel locsin on richard gutierrez, oyo boy sotto, luis manzano & piolo pascual

(source: philippine entertainment portal)

RICHARD GUTIERREZ. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Ruffa Gutierrez na nag-MU (mutual understanding) sila noon ng kapatid niyang si Richard Gutierrez? Totoo ba ito?

“Oo, parang ganun. Hindi ba, sinasabi rin naman naming lagi, kayo lang naman ang hindi naniniwala, e,” sabay tawa ni Angel.

“Pero hindi naging kami,” paglilinaw niya. “Siyempre pag kayo ang laging magkasama sa liblib na lugar or lagi kayong bundok, e, wala naman kayong makausap doon. Siguro dahil doon.

“Hindi naman ‘yung MU na MU talaga. Hindi naman ‘yung, ‘Hoy, MU tayo, ha.’ Siguro nagki-care ako sa kanya, nagki-care rin siya sa akin. Wala rin kaming usapan na, ‘O, tapusin na natin ‘to.’ Wala naman kasing ano, e, walang relasyon. Hindi lumalim at hindi naman ‘yung landian or ano, hindi naman. Kasi magkasama kami, we’re partners, parang ganun. Kapalagayang-loob kami at ngayon, honestly, kung anuman ang gawin ni Richard susuporta pa rin ako sa kanya kasi mabait siyang tao at naramamdaman ko ‘yon nung kaguluhang ito.”

OYO SOTTO & ANNE CURTIS. Samantala, nang huli naming nakausap ang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Sotto ay panay ang pagtatanggol ng binata sa mga negatibong isyung ibinato kay Angel.

“Lagi naman ‘yan, e,” sabi ni Angel. “Always pinagtatanggol ako niyan. Lagi kaming nag-uusap kahit nung nasa London ako. Pero nagtampo yata siya sa akin ngayon. Kasi nung dumating ako, hindi ko siya, ‘Oy, nandito na ako.’

“Kasi nung nasa London ako, nag-uusap pa kami. Hindi ko nasabihan. E, hindi ba ang gulo? Pagdating sa airport pa lang, may interview na, so medyo mahirap lang. Pero puwede naman kaming magkita anytime kasi wala naman kaming away or ano.”

Puwede rin silang maging magkagtrabaho ni Oyo sa mga show ng ABS-CBN since nauna na sa kanya na maging Kapamilya ang anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto.

“Tingnan natin. Pero ayoko naman sana ‘yung gamitin ‘yung dating isyu, kasi iba naman ‘yung sa amin. Nakakahiya rin sa ABS-CBN at feeling ko hindi rin papayag si Oyo.”

Open din si Angel sa possibility na makasama sa isang show ang isa pang ex-girlfriend ni Oyo na si Anne Curtis.

“Magkaibigan kami ni Anne,” sabi ni Angel. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami parang iniisyu ni Anne, pero okay kami. Before pa kasi, kahit hindi pa kami ni Oyo, lagi ko siyang inaasar kay Anne like, ‘Huh, magkakabalikan din kayo.’

“Nauna sila, e. Kaya labas ako kung ano meron sila. Maiintindihan ko ‘yon and magkaibigan kami ni Anne. Magkasama kami sa isang product na pareho naming ini-endorse before. Mabait si Anne at mabait din siya sa akin.”
LUIS MANZANO. Sa taping din ng Deal or No Deal ay tinuksu-tukso ng audience si Angel sa panganay ni Governor Vi na si Luis Manzano.

“Bakit nga ba? Hindi ko rin alam, e,” nagtatakang sabi ni Angel. “Kasi umalis ako kanina, may kausap ako. Tapos pagbalik ko, tinutukso kami ni Luis. Nag-usap lang kami ni Luis tapos parang ‘yung mga tao, inaasar na agad kami. E, kanina, hindi naman kami inaasar.

“Mabit naman si Luis. Nakakasama ko siya minsan sa trabaho. Pero wala namang ligawang nagaganap. Minsan, siya ‘yung nagho-host ng affair na may nag-invite sa akin,” aniya pa.

PIOLO PASCUAL. Isa raw si Piolo Pascual sa mga unang artista na “nagpakalma” ng kalooban ni Angel sa paglipat niya sa ABS-CBN.

“Actually, nagtanong siya kung okay lang ako. Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’ Pero hindi siya nag-ano…basta nagpapatawa lang siya. Ang kulit din niya nung time na ‘yon. Siguro naramdaman din niya na down ako. Ganun naman ‘ata si Piolo sa lahat ng tao, e, sinusubukan niyang pasayahin lahat,” kuwento ng young actress.

Si Piolo ang magiging leading man ni Angel sa kanyang unang regular show sa ABS-CBN.

Nakumpirma namin mula sa direktor na si Cathy Garcia-Molina na siya ang magdidirek ng first project ni Angel. Ito ay ang kuwentong isinulat ni Ricky Lee tungkol sa taong-lobo na sa pagkakaalam ni Direk Cathy ay may pamagat na La Loba Blanca.

Excited na ba si Angel sa first teleserye niya sa ABS-CBN with Piolo?

“Actually, ‘yung story madugo. Lagi namang madugo ‘yung ipinapagawa sa akin. Pero ito, masasabi ko na isa sa pinakamadugo talaga. Iba kasi siya. Bago, e. Hindi siya basta-basta soap. Hindi rin siya pantaserye. Hindi siya bast-basta action. As in bago talaga at ngayon lang ita-try ng ABS-CBN itong atake na ‘to,” pagmamalaking sabi ni Angel.

May pressure ba siya sa magiging outcome ng first show niya sa ABS-CBN?

“Oo,” pag-amin niya. “Pero ako naman kasi, basta may magawa lang akong trabaho or project na maipagmamalaki talaga, ‘yung napaganda ko ‘yung trabaho ko rito or maganda ‘yung story. I mean, maganda talaga ‘yung hinanda ng produksiyon na ‘yon, okay na sa akin ‘yon at basta mapasaya namin ang mga tao. Hindi na ‘yung ‘O, dapat mas maganda ‘yung sa amin’ or ‘dapat mas mataas ang ratings namin.’ Mas more on iniisip ko kung paano namin mapapasaya ‘yung mga tao, kasi para naman talaga sa kanila ‘yon at hindi para sa amin.”

Sa nasabing proyekto ay palulutungin daw ng ABS-CBN ang pagiging artista niya at magiging isang full-fledged actress.

“Gusto ko ‘yon,” natuwang sagot ni Angel. “Gusto ko po ‘yon. Alam n’yo naman ako, napaka-perfectionist.”

Sa tingin niya ba ay magkakaroon na rin siya ng acting awards gaya ng mga drama queens ng ABS-CBN na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto?

“Basta may bago lang akong matutunan, okay din sa akin and ‘yung happy ako sa performance ko. Sobrang okay na sa akin ‘yon and hindi naman ako magpapaka-plastik na sana magkaroon din ako ng acting award,” sabi ni Angel.

Bukod kay Piolo, sino pa ba ang gusto niyang makapareha sa bakuran ng ABS-CBN?

“Marami,” ngiti ni Angel. “Another good thing with ABS-CBN, marami kang choices and nandito ‘yung growth talaga, e. Marami, like sina Sam [Milby], Mr. Aga Muhlach… John Lloyd [Cruz], Jericho [Rosales], ang dami!”

Excited din siya na makagawa ng pelikula sa Star Cinema.

“Nasa kontrata ko kaya wala silang choice!” natatawang sabi ni Angel. “Si Piolo rin ang leading man ko. Sobrang excited ako na makatrabaho si Piolo.”

Published in: on August 18, 2007 at 6:14 pm  Comments (14)  

The URI to TrackBack this entry is: https://dramaville.wordpress.com/2007/08/18/angel-locsin-on-richard-gutierrez-oyo-boy-sotto-luis-manzano-piolo-pascual/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. hi angel, good choice n kpamilya kna dhil mas lalo kpa mgi2ng magaling sa lrangan ng pagarte… abs.. ilove you……….

  2. My daughter loves you Angel and she’s only 8 years old. So far, okay ka para sa akin. I like that you were strong through all the trials and that you made a decision about your career, hindi ‘yung hinintay mo lang na paglipasan ka ng panahon sa GMA. I’m glad ikaw ang favorite ng anak ko, gusto ko gan’un din siya someday, matutong mag-desisyon para sa ikabubuti niya. Kumita na din ang GMA sa iyo, you deserve to move on. I hope you’ll have time to study pa rin kahit short courses lang. Goodluck to you, Angel and God bless you.

  3. wow ang gaganda naman ng comment dito about angel sana laging positive ang mga nag cocomment about angel.
    luv u angel good luck to your career

  4. hi angel!!! sana matigil na ang inrtriga sayo..
    para sakin mas maganda ka kay marian rivera!!!
    go go go angel ikaw ang number one! kapuso ka man or kapamilya susuportahan ka nmin dito!!!love u!!

  5. go go go! Angel Locsin…you’re my favorite and always will be…kahit saan kapa lilipat papanoorin pa rin kita..gano’n ang mga fanatics…naiintindihan ang gusto ng mga idol nila…KAPAMILYA na rin ako kc kapamilya kana! MARIMAR sucks! buti nalng tinanggihan mo kc malandi ang dating d magandang panoorin ng mga bata…We will support you all the way. Love U!!!!!!

  6. hello angel… dont think of channel 7.. it would just ruin your future in abs-cbn.. bakit nga ngayon mo lang naisipan magtransfer, but atleaSt you did.. love yah….

  7. Ang pagppkaTOTOO ay hindi nanga2huluguhang magng bulgar ka o palaban.. I’m glad n totoong tao ka in a nice way.
    Nobody ever hate you. Only when you switch to ABS. Wherever you go, d2 lng kming mga fans mo!
    Close to Perfect personality, yan c Angel Locsin.

  8. halow angel!!! UR MY FAVORITE ACTRESS…sana magkatuluyan kayo ni piolo kaysa kay luis…hindi kayo bagay..pero kung ano man desisyon mo..ikaw pa rin ang aking hinahangaang idolo….

  9. hallow angel!lumipat ka na sa gma mas bgay ka dun..favorite parn kta kht nsaan ka man.:-*muah more power

  10. ..hi angel u know u’r da best of all at ang pinaka maganda pa….wala ng hihigit pa sa kgandahan mo da best ka talaga..u’r my idol… magand na sexy pa at magaling pang umarte..yan lang continue u’r carrer…

  11. hi angel sana magka loveteam ulit kau ni richard hindi kau bagay ni sam milby…ew…hindi naman gwapo si sam eh…si pioli okey lang….u’re da most beautiful kaysa kay marian..

  12. u’re da best actress…. u’r da # 1…..da #sexiest actrss…

  13. ingit lang yan s marian…

  14. hi angel,….wow finally i get to send you an email,…
    anyway i been watching your image,wow you really are great angel,just continue what you are doing right now,..and of course more power to you,godless you,….
    i like you so much angel your my idol ever seance that your in TV,… keep on you beauty,…as always perfect,…you and Luis are compatible i think so just stay with him and be comfortable with each other,..
    love you guy’s


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: