angel locsin on her mom emma colmenares

(source www.inquirer.net)

DOLLYWOOD:  girl also cares about mom

By Dolly Anne Carvajal

08/14/2007 MANILA, Philippines — Angel Locsin told me once that she disapproved of her mother’s (Emma Colmenares) young lover because she doubted the guy’s sincerity. I’m not sure if they’re still together. Angel may be a daddy’s girl but that doesn’t mean she cares for her mom any less.

(source: philippine entertainment portal)

PEP EXCLUSIVE: Angel Locsin wants her parents kept out of her showbiz issues

Pilar Mateo

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapamilya na si Angel Locsin kahapon, August 17, sa opisina ng Star Cinema Productions sa ABS-CBN. Kakatapos lang mag-taping ni Angel as celebrity contestant sa game show ni Kris Aquino na Kapamilya Deal Or No Deal.

Incidentally, dumating sa naturang game show ang ina ni Angel na si Emma upang suportahan siya. “Kaya lang, nang dumating si Mama, nakapag-deal na ako, e. Kaya abangan nila kung ano o magkano ‘yung nakuha ko para marami akong matulungan,” excited na kuwento ni Angel.

“Actually, si Mama ang tumawag sa akin na gusto nga raw niyang sumama sa akin kapag nag-guest ako sa Deal or No Deal. Siguro, nagdalawang-isip siya nung una kaya na-late siya. Pero nakita mo naman kahit kailan, hindi ko naman itinago ang Mama ko,” sabi pa niya.

Kumusta ang relasyon nila ng kanyang ina?

“Ang hindi namin itinatago is the fact na matagal na silang hiwalay ng Dad ko,” ani Angel. “Nagdadalaga pa lang ako, talagang wala na sila sa isa’t isa. Naintindihan naman namin ‘yon dahil ‘yon naman ang gusto nila. Iyon na ang napagkasunduan nila at nirerespeto namin ‘yon.

“Ang sa akin lang, sana sa kung anumang gulo sa buhay ko na may kinalaman sa trabaho ko, ‘yon na lang ang maging isyu o sentro. Kasi ang Mama at Dad [Mr. Angel Colmenares] ko, talagang hindi na puwedeng magkasama. Tanggap na namin ‘yon. But in spite of that, buo pa rin kami bilang pamilya. Na pag may isang nasaktan o nagkaproblema, lahat kami, e, nakasuporta.

“Oo, walang trabaho ang Mama ko at sinusuportahan ko siya. Dahil ako na rin ang may gusto na huwag na rin siyang magtrabaho. Although mas close ako sa tatay ko at siya ang lagi kong nakakasama at sa akin siya naka-tira, hindi ibig sabihin no’n na pinababayaan ko na ang Mama ko. Mahal ko ang taong nagbigay sa akin ng buhay dito sa mundo.

“Anuman ang naging buhay niya, ito ang choice niya. Kesa naman lagi silang mag-aaway ng Dad ko, mas maganda na ‘yung nakahiwalay man siya sa amin, solid pa rin ang pagiging pamilya namin. Basta hindi lang sila puwedeng magkita. At iginagalang ko ang naging desisyon nila.

“Bihira kami magkita ni Mama pero nagte-text kami sa isa’t isa. ‘Pag may mga okasyon naman, nagkakasama rin kami,” mahabang salaysay ni Angel.

Paano ide-describe ng young actress ang kanyang mga magulang?

“Si Mama kasi ang tipo na mas mapagpasensiya. Sa kanya ko yata nakuha ‘yung linyang lagi ring lumalabas sa bibig ko, ‘yung ‘Hayaan mo na!’ Pero ang Dad ko, hindi ganun. Dahil sa kanya, importante ang prinsipyo. Kahit ang isyu, e, singko sentimos lang, basta siya ang nasa katuwiran at nasa tama, ipaglalaban niya ‘yon ’til the end. Kaya mahirap nga silang mag-clash, di ba?” paglalarawan niya.

Nakilala namin ang ina ni Angel sa opisina ng Star Cinema. Hindi na namin inusisa si Mama Emma dahil sabi nga ni Angel, basta pagdating sa kanyang pamilya, pinoprotektahan niya raw ang mga ito.

Advertisements
Published in: on August 17, 2007 at 7:49 pm  Comments (1)  

The URI to TrackBack this entry is: https://dramaville.wordpress.com/2007/08/17/dollywood-girl-also-cares-about-mom-by-dolly-anne-carvajal/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Hello………tita kamusta n kayo jan ako po si princess colmenares. anak ni julio colmenares nasa iloilo. My grandfather ko po ay si Jose “peping” colmenares.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: