GMA Artist Center Head Yda Henares denies spreading rumor about Angel Locsin

(SOURCE: philippine entertainment portal)

Bumalik ang ilang miyembro ng entertainment press na pauwi na sana pagkatapos ng anniversary celebration ng GMA Artist Center sa Showbiz Central sa Broadway Centrum kahapon, August 12. Sinagot kasi ng Artist Center Head na si Ms. Yda Henares ang pahayag ni Angel Locsin sa The Buzz sa ABS-CBN noon ding hapon na ‘yon tungkol sa kanya.

Nang hingan kasi ng mensahe ni Boy Abunda ang dating Kapuso star na si Angel para sa GMA-7 executives, tila pinaringgan ng young actress si Yda tungkol sa kumakalat na sex video diumano ni Angel.

“Kay Tita Yda, alam kong may tampo kayo sa akin, pero sana po huwag ninyong sabihin sa mga tao na naniniwala kayo na ako ‘yung babae sa sex video. Kasi kilala n’yo naman po ako. At huwag ninyo po akong husgahan. Hindi po ako ganung klase ng babae. May takot po ako sa Diyos,” ang eksaktong pahayag ni Angel sa The Buzz.

Hindi napanood ni Yda ang The Buzz dahil busy nga siya sa anniversary special ng Talent Center sa katapat nitong programa na Showbiz Central, kung saan ipinakilala ang bagong Kapuso stars. Pero sunud-sunod daw ang mga text messages na tinanggap niya tungkol sa sinabi ni Angel sa kanya.

Dahil dito, hindi na napigilan ni Yda ang magsalita upang ipaliwanag ang kanyang panig.

“I’m so sad Angel na sinabi mo na ako ang nagsasabi sa ibang tao na ikaw ang nasa sex video,” sabi ni Yda. “Inalagaan kita for four years kaya paano ko magagawa ‘yon sa iyo?

“Kahit noong nag-away kayo ng manager mong si Becky [Aguila], na tumakbo ka sa GMA Artist Center, inalagaan kita. Hindi ko napanood ang sinasabing sex video, although matagal ko nang naririnig ang tungkol doon, dahil hindi ako naniniwalang ikaw iyon.

“I was shocked nang malaman ko na may sinabi siya tungkol sa akin,” patuloy niya. “Yes, we promised na di na kami magsasalita, but I have to defend myself, my credibility, and my dignity. Sinabi ko rin ‘yon sa lawyer niya [Angel] nang makausap namin last week, na we will only talk kung may sinabi sila and we have to defend ourselves.

“Yes, we want to move on. Kaya nga hinarap na namin ang pagbi-build-up ng mga bagong stars. Pinapirma na namin sila ng exclusive contracts at kanina, ipinakilala na namin ang fifteen new Kapuso stars sa Showbiz Central.”

Idinagdag pa ni Yda na hanggang 2009 pa raw ang contract ni Angel sa mga product endorsements na nakuha ng Artist Center para sa kanya. Hindi ba makakaapekto ang pag-alis ng young actress sa GMA-7 sa contract nito?

“Iyon na nga, kahit umalis na siya sa GMA Network, tuloy pa rin ang contract niya. Kaya paano ko siya sisiraan? Baka maging problema ko pa nga ‘yon sa mga advertisers at tanungin nila ako tungkol doon,” paliwanag ng Artist Center head.

Sinamantala na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang tanungin si Yda kung bakit hindi dumating ang isa pang alaga ni Becky na si Jennylyn Mercado sa anniversary celebration ng Artist Center.

“We were expecting her, pero hindi siya dumating. I will talk to her Mom [Lydia Mercado, Jennylyn’s mother]. Nag-aalala ako kasi we are leaving for Hawaii on Tuesday, August 14, para sa concert nila doon ni Jonalyn Viray. Hindi ko alam kung sasama ba siya,” pahayag ni Yda.

Ayon sa nakausap ng PEP na staff ng Showbiz Central, tumawag daw si Jennylyn noong umaga at sinabing hindi siya makararating dahil maysakit siya.

Advertisements
Published in: on August 13, 2007 at 6:46 pm  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://dramaville.wordpress.com/2007/08/13/gma-artist-center-head-yda-henares-denies-spreading-rumor-about-angel-locsin/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: