she said, she said

(source:  philippine entertainment portal) 

WILMA GALVANTE’S SIDE OF THE STORY

Months before Angel Locsin’s confirmed transfer to ABS-CBN, GMA-7 already had a gut feel that something was amiss though this was doused off several times by Angel and her camp.

“Twice we asked Angel if she was talking to ABS-CBN and twice she replied that she was not,” revealed GMA-7’s SVP for Entertainment TV Wilma Galvante to Showbiz Central co-host Pia Guanio in an interview.

According to Ms. Galvante, rumors that Angel and her manager Becky Aguila were already negotiating with ABS-CBN already buzzed inside GMA’s compound, prompting a network executive to personally visit the young actress on the set of Asian Treasures to confirm the news.

“‘Yung first instance was in June when Joey Abacan of GMA Films went to the set of Asian Treasures. Dito tinanong niya si Angel, ‘Naririnig namin na nakikipag-usap kayo sa kabila.’ Angel vehemently denied this and she said, ‘Papansinin ba nila ako doon? Hindi kami lilipat.’ So Joey took her word for it and he relayed that to us,” Ms. Galvante recalled calmly.

A formal meeting was then called last July 3 at the Makati Shangri-la, attended by some of the network’s bigwigs and Angel’s team.

Present in the late night meeting were Angel along with manager Becky Aguila, lawyer Joji Antonio and GMA’s Joey Abacan, Redgie Acuña-Magno, Annette Gozon, and Wilma Galvante herself.

“Again in that meeting, we asked both of them, Becky and Angel, ‘Nababalitaan namin, marami kaming naririnig na nakikipag-usap na kayo sa kabila. Totoo ba ‘yan?’ Tapos ang sagot ni Becky, ‘Saan mo narinig ‘yan? Sinong nagsabi sa ‘yo niyan? Hindi ‘yan totoo. Walang katotohanan diyan.’ And Angel even said, ‘Naku, hindi po ako lilipat. Mahal na mahal ko po kayo hindi ko kayo iiwan. Gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang magbakasyon. Pagbalik na pagbalik ko, kayo naman ‘yung una kong kakausapin,'” Ms. Galvante narrated.

The network executive said that they repeatedly offered Angel a new contract after her co-management contract expired with GMA-7 last March 31.

“Even before her contract expired,” stressed Galvante on GMA-7’s offer for a new contract with Angel.

TAKING A BREAK. In Galvante’s recollection of her meeting with Becky and Angel’s father, Mr. Angel Colmenares, the two made known that Angel wanted to take a break first after wrapping up Asian Treasures and in the process turned down the lead role for the local remake of the Mexican telenovela Marimar.

Ms. Galvante recalled Angel’s supposed plans as presented by her manager and father: “She needed to go to the States for the premiere of her movie, Angels, and then she had to go to London for a six-week fashion design course—they told us six weeks. After that she wanted to travel, see the world, take a break [and] rest. Pagbalik niya, ang gagawin niya muna, ang kailangang gawin niya, ‘yung kanyang mga commercials and then the movie and then she want to attend to the business offers that are coming her way daw. In-explain nung father na hindi naman ‘yan nangyayari. Nangyayari ‘yan ngayon na she’s on top of her career, so she also wants to take advantage of it. We understood it. I took their word for it.”

Wilma reiterated that she, and in behalf of the network, accepted all these arrangements with the understanding that Angel would sit down with GMA to discuss working anew once all plans were accomplished.

SHOCKING MOVE. But as it turned out, GMA-7 was shocked to discover that Angel had already sealed a deal with ABS-CBN just as the Kapuso executives were about to receive a formal letter from Angel’s camp informing them about her move to the Lopez-owned network.

“We found out on the same day that they appeared on an interview on TV Patrol. So, that interview was pre-taped obviously and it was like the other Friday only a few hours before Becky and Mr. Colminares (Angel’s father) send us a letter signed by both of them. The letter was sent to me, to Annette Gozon, and to Atty. [Felipe] Gozon on the same afternoon,” she narrated.

Galvante also contested the issue that Angel felt neglected for GMA’s lack of support for her movie, Angels.

As revealed by the network executive, GMA-7 didn’t charge Angels‘ trailer air time in the station and even bought the TV rights of the movie for a staggering P3 million, with Becky cashing the P1.5 million as she told GMA-7 that she was already strapped for production money.

“Libre ‘yon,” she casually pointed out. “In fact, ‘yung movie n’ya na Angels, binili ng GMA ang TV rights. Ang ibig sabihin ng binili ‘yung TV rights, ‘yong movie mo later on in the future, we will air it on TV. Binili ‘yon ng P3 million, so kami ang nagbayad sa kanila. GMA ang nagbayad sa kanila.”

RICHARD GUTIERREZ. There’s also no point in comparing Angel’s income with former screen partner Richard Gutierrez, as the latter has more assignments in the first place. Ms. Galvante explained:

“Here are the facts. From 2006 to mid-2007, Angel Locsin made over 60 million pesos from her TV shows and mostly from endorsement contracts closed by the GMA Artist Center. ‘Yung para i-compare niya ‘yung kinikita niya kay Richard Gutierrez is not even fair. You know why? For TV, malaki talaga ang kikitain ni Richard because he’s doing three shows. The guy is taping soap three to four times a week. He will do Nuts Entertainment. He will do SOP. He works hard for his money. He should really earn more than Angel for the TV show kasi soap lang si Angel, e. Hindi mo naman siya [Angel] malagay sa SOP kasi she cannot sing, ayaw niya. ‘Yung dancing wala, ‘tsaka pagod na siya. So soap lang talaga. We took care of her na ilagay mo lang siya kung saan talaga magsa-shine ‘yung talent n’ya.”

COURTESY. The top management, according to Ms. Galvante, went through all the negotiations in good faith and hoped that Angel and her manager had at least showed some courtesy in dealing with the entire issue.

“A grateful person would have negotiated with us in good faith and treated us fairly, and with honesty, basic honesty. She and her manager unfortunately did not.”

Despite the messy split-up, she relayed that GMA still wishes Angel all the best when it comes to her career and personal life and hopes she’s at peace with her decision.

BECKY AGUILA’S SIDE OF THE STORY

Mula sa London ay nagbigay ng kanyang panig ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila kaugnay ng mga pahayag ng GMA-7 SVP for Entertainment TV na si Wilma Galvante tungkol sa isyu na kaya naramdaman daw ng young actress na pinabayaan siya ng Kapuso Network dahil sa kakulangan ng suporta sa pelikulang pinagbidahan at iprinodyus nito, ang Angels.

Ayon sa isang tao na mula sa kampo ni Becky, napaka-petty ng isyu na ito para palakihin at gamitin ni Ms. Wilma. Hindi raw nila akalain na ang isang executive na tulad niya ay papatol sa ganitong isyu at lelebel sa mas maliliit sa kanya.

Dagdag pa ng aming source, hindi raw totoo ang sinabi ni Ms. Wilma sa taped interview niya sa Showbiz Central kahapon, July 29, na libre ang pagpapalabas trailer ng Angels sa GMA-7.

Sa nasabing interview ay nagpahayag si Ms. Wilma: “Libre ‘yon. In fact, ‘yung movie niya na Angels, binili ng GMA ang TV rights. Ang ibig sabihin ng binili ‘yung TV rights, ‘yong movie mo later on in the future, we will air it on TV. Binili ‘yon ng P3 million, so kami ang nagbayad sa kanila. GMA ang nagbayad sa kanila.”

Idinagdag pa ng GMA-7 executive na nag-cash advance na raw si Becky ng P1.5 million bilang paunang bayad sa TV rights ng Angels dahil gipit na raw ang manager ni Angel sa production cost ng pelikula.

Ngunit sa text message na ipinadala ni Becky sa aming source, mariin itong pinabulaanan ng manager ni Angel.

“You can ask Orly [Ilacad, OctoArts Films big boss] for facts. May kontrata ang TV/cable rights and he represented the sale of Angels as agent, so sa kanya mapupunta ang P1.5 million because siya ang nag-abono ng marketing expenses ng Angels, like Kodak stocks, his distributor’s and checker’s fee.

“Hindi ko alam kung nabayaran na siya because hindi pa kami nakakapag-usap ni Orly ever since ipinalabas ang movie. Siya rin ang nagbenta ng video rights. Sa GMA una inalok ang Angels out of ethics because mga stars ng GMA ang bida sa pelikula.”

Dagdag pa ng source, ang natitirang P1.5 million sa P3 million na usapan ay nasa GMA-7 daw. Ito ang nagsilbing kabayaran sa TV commercials ng Angels sa network kaya maliwanag na hindi raw libre ang pag-eere ng trailer ng Angels sa GMA-7.

TWO VERSIONS. Pinabulaanan din ng kampo ni Angel na may sinabi ang young actress sa GMA-7 na hindi siya lilipat sa ibang network. Sa interview kasi ni Ms. Wilma sa Showbiz Central ay nabanggit nito na bago pa man aminin ni Becky sa publiko na nakikipag-negotiate siya sa ABS-CBN ay tinanong na sila ng GMA-7 kung totoong lilipat si Angel, na itinanggi naman nila.

Sa isang formal meeting noong July 3 sa Makati Shangri-La ay tinanong muli ng Kapuso executives sina Becky at Angel kung lilipat nga sila sa kabilang istasyon.

“Again in that meeting, we asked both of them, Becky and Angel, ‘Nababalitaan namin, marami kaming naririnig na nakikipag-usap na kayo sa kabila. Totoo ba ‘yan?’ Tapos ang sagot ni Becky, ‘Saan mo narinig ‘yan? Sinong nagsabi sa ‘yo niyan? Hindi ‘yan totoo. Walang katotohanan diyan.’ And Angel even said, ‘Naku, hindi po ako lilipat. Mahal na mahal ko po kayo hindi ko kayo iiwan. Gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang magbakasyon. Pagbalik na pagbalik ko, kayo naman ‘yung una kong kakausapin,'” kuwento ni Ms. Wilma.

Pero ayon naman sa kampo ni Becky, hindi raw ito totoo. “She was asked kung ‘Ano, totoo ba na nakikipag-usap na kayo sa ABS-CBN? All she [Angel] said was, ‘Hindi po.’ Totoo naman ‘yon dahil wala naman talaga,” sabi ng isang taong malapit kay Becky.

Ang sinasabing pag-uusap daw ni Ms. Wilma with the rest of the executives of GMA-7 kina Angel ay ang mismong meeting daw na hiningi ni Becky kay Annette Gozon, ang anak ng big boss ng Kapuso Network na si Atty. Felipe Gozon.

Naitakda ang meeting with the knowledge na ang anak ng may-ari ang makakausap nina Becky at Angel and hoping that they will get a better deal, or at least to know kung ano ang plano nila for Angel.

Nagulat na lang daw sina Becky at Angel nang biglang dumating doon ang ibang executives ng network sa pangunguna ni Ms. Wilma. Bigla raw nagsalita si Ms. Galvante sa manager ni Angel, “O, ano, Becky, manghihingi ka na naman ng increase?”

Na-turn off daw si Becky sa pagiging “unprofessional” ni Ms. Wilma. But still, naghintay sila kung ano ang mai-offer sa kanila ng mga executives sa naturang meeting. Pero wala raw inilatag na kung anumang plano para sa kanyang alaga. Hanggang sa nakaalis si Angel papuntang London, wala raw natanggap na malinaw na offer ang kampo ng young actress.

Taliwas ito sa pahayag ni Ms. Wilma na nag-offer na sila ng panibagong kontrata kay Angel bago pa man mag-expire ang kontrata niya.

UNDER FIRE? Kaugnay nito, hindi na raw nagtataka ang kampo ni Becky kung bakit lumalabas sa TV si Ms. Wilma to explain dahil “under fire” diumano ito ngayon sa GMA7. Galit na galit daw si Atty. Gozon sa kanya for mishandling Angel’s contract with GMA-7. Ito raw ang dahilan why she’s cleaning up her own mess.

Ayon pa sa aming source, kumakalat na rin sa GMA-7 na baka si Annette Gozon daw ang mag-takeover sa entertainment division ng Kapuso Network.

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Ms. Wilma kaugnay ng ispekulasyon na galit na galit daw ang mga Gozon sa kanya, pero ayaw na raw itong patulan ng GMA-7 executive.

“We’ve said our piece on the issue and we are putting this matter to rest. Thank you,” ang maikling pahayag ni Ms. Wilma sa PEP.

Advertisements
Published in: on August 7, 2007 at 10:58 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://dramaville.wordpress.com/2007/08/07/she-said-she-said/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: