(source: http://www.philstar.com/index.php?Showbiz&p=50&type=2&sec=58&aid=20070816149)
Nasulat namin na maraming artista ang ayaw mag-guest sa Boy & Kris dahil umiiwas sila kay Kris Aquino dahil hindi nila type ang istilo nitong nambabara ng guests kapag hindi siya kuntento sa nakukuhang sagot.
Hindi inamin ng diretso, pero napahiya raw si Ana Roces (isa sa guest) nung paulit-ulit siyang sabihan ni Tetay sa ere ng hindi masarap ang niluto niya (pagluluto ang episode kahapon, Huwebes).
At kahapon din ay nabanggit sa amin na isa na nga ang Sexbomb Girls headed by Joy Cancio ang tumanggi sa nasabing guesting.
Pero valid naman ang rason ng manager ng nasabing grupo, “E, kaibigan ko rin naman ang mga taga-Channel 2, pero siyempre ang loyalty ko ay nasa GMA-7 at super supportive sa akin ang katapat nilang programang Sis, kita mo nga, may pakontes pa ang Sis sa search for next Sexbomb Girl.
“Kaya respeto na lang din sa GMA kaya tinanggihan ko ang guesting namin sa Boy & Kris, not for anything else, respeto lang ang pinaiiral ko kasi mababait sa amin ang mga taga-GMA, wala akong reklamo sa kanila kaya as much as possible, ibabalik ko rin sa kanila ang respetong ibinibigay sa akin,” magandang paliwanag ni Joy sa kabilang linya.
Aware kaya si Kris na maraming ayaw ng mag-guest sa show nila ni Boy dahil sa kanya?